Palaban pa rin ang young Kapamilya singer na si JK Labajo sa kanyang mga bashers na pinaniniwalaang fans ni Darren Espanto.
Sumabog sa social media ang away
ng dalawang bagets singer dahil sa diumano’y malisyosong tweet ni JK laban kay
Darren na, “@Espanto2001 gayness at its finest.”
Hinihintay na ng supporters ni
Darren ang pagsasampa nito ng kaso laban kay JK kasabay ng patuloy nilang
pagganti sa binatilyo para sa kanilang idolo.
Sa isang Instagram post ni JK,
may ilang fans si Darren na nagkomento ng hindi maganda. Sey ng isang netizen,
“Kainis ka kuys, baka ikaw nga tong baklish e.”
Sinagot ito ng singer-actor ng,
“Oo bakla ako.”
Meron namang nagtanong kung
naiinggit ba si JK sa kasikatan ni Darren kaya sinabihan niya ito ng bakla. Ang
sagot lang sa kanya ng bagets ay, “Amen.”
Comment ng isa pa, “You’re
accusing Darren as gay, how could you?!” Na sinagot lang ni JK ng, “Pano mo
nasabe?
No comments:
Post a Comment